Friday, July 9, 2010


“san ka pupunta?” “anung oras ang uwi mo?”... yan ang kadalasang katagang maririnig ko sa aking mga magulang sa tuwing ako’y aalis ng aming pamamahay.
Ngunit kung iyong paglilinayan ang mga bagay sa mundo, matatanung mo nga ang iyong sarili “SAN NGA BA AKO PUPUNTA?” “ANUNG ORAS NGA BA AKO MAKAKAUWI?”

Sa bilis ng takbo ng ating pamumuhay sa ngayon, minsan nakakaligtaan natin saan nga ba tayo dapat pumatungo. Anu nga ba ang dapat natin gawin. Ako man minsan ay nakakalimot na kung anung dapat kung gawin sa dami dami ng mga gusto kung gawin. Napakaraming mas importanteng bagay ang aking nakakaligtaan gawin dahil sa uri ng pamumuhay na aking pinili. Hindi ko sinasabi na hindi ako Masaya sa takbo ng aking buhay sa ngayon. Ngunit masasabi kung may kulang. Kulang dahil alam kung mas marami akong ibang mas importanteng dapat gawin. “BAHALA NA” yan ang mga katagang lagi mong maririnig sa akin sa mga sitwasyong aking matatawag na “BAHALA NA NGA”

Napakadali kung yayain kung san man. Ang katwiran ko, for as long na okay naman ang aking mga kasama at meron namn akong panggastos... bira lang ng bira. Kaya nga ako nabansagan na “KALADKARIN” dahil alam ng aking mga kaibigan na napakadali kung hatakin kung saan saan man. Kahit walang tulugan ang labanan eh hindi kita aatrasan.

...”BASTA UUWI AKO” yan ang sagot ko palagi sa tuwing ako’y tinatanung ng aking mga magulang... kaya hari nawa’y ako nga ay makarating sa aking patutunguan...sa tamang panahon at tamang oras - ;-)

No comments:

Post a Comment