Sunday, July 11, 2010

GANID


GANID...

Ano ang ibig sabihin ng salitang “GANID? Anu nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ganid?

Makasarili?

Mapag-imbot?

Yan ang mga salitang naisip ko kung ako’y tatanungin kung anu ang ibig sabihin ng salitang ganid. Ngunit kung ito’y ating uungkatin at paglilinayan.. hindi nga ba’t mas malalim ang iyong maiisip sa salitang iyan.

Hindi nga ba’t sa panahon ngayon kung saan ang tao ay mashadong naka focus sa mga material na bagay… na pera ang kanilang tinitingala…hindi nga ba’t GANID ang namumutawi sa kanilang pagkatao?

Sa buhay na ito importante ang pera. Pero hindi ibig sabihin nito na pera ang magpapaikot sa buhay natin. Ang pera ay isa lamang kasangkapan upang tao ay maka survive. Ngunit hindi nangangahulugan na pera ang pinakaimportanteng bagay sa mundo. Mas maraming bagay ang hindi kayang bilhin ng pera. Nandiyan ang pag-ibig at dignidad. Pag-ibig na kung saan ang bawa’t nilalang ay ditto nagmula. Dignidad na hindi kayang palitan ng kahit anu pa man.

No comments:

Post a Comment